Guniguni niyo lang yan: Duterte "Youth" sinabing 20-M dapat ang boto ni Digong | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Guniguni niyo lang yan: Duterte “Youth” sinabing 20-M dapat ang boto ni Digong

Dutertrolls

Guniguni niyo lang yan: Duterte “Youth” sinabing 20-M dapat ang boto ni Digong

Tila hindi pa nasisiyahan ang Duterte Youth sa resulta ng nagdaang eleksyon noong nakaraang taon.

Iginigiit ng grupo na dapat nasa 20 milyon ang nakuhang boto ni President Rodrigo Duterte, malayo sa mahigit 16 milyong aktwal na nabilang na boto ng Commission on Elections (COMELEC) at ng Kongreso.

“We believe that in the 2016 elections, Mayor Duterte got more than 16 million votes,” ani Ronald Cardena, chairman ng Duterte Youth.

Nanalo sa pagkapangulo si Duterte na may nakuhang 16,101,997 boto, o 38% mula sa nabilang na mga boto.

Plano ng grupo na makipag-dayalogo sa COMELEC upang ipresenta ang kanilang mga “facts” ukol sa halalan noong 2016.

“Mayroon talagang mali doon sa results. Mayor Duterte should have gotten majority votes,” ayon kay Cardena.

Ang sinisisi nila sa umano’y kulang na boto ay ang Smartmatic, ang katuwang ng COMELEC para sa automated elections.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top