Ethel Booba, binasag ang tweet ni Sass Sasot: Ang uso ngayon ay "Tita, give me 3-6 months!" | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ethel Booba, binasag ang tweet ni Sass Sasot: Ang uso ngayon ay “Tita, give me 3-6 months!”

Dutertrolls

Ethel Booba, binasag ang tweet ni Sass Sasot: Ang uso ngayon ay “Tita, give me 3-6 months!”

Clapback of the year goes to… 

Binasag ng artista at komedyanteng si Ethel Booba ang tweet ni Sass Sasot, blogger-supporter ni President Rodrigo Duterte, tungkol sa dapat isagot kung tatanungin ng mga kamag-anak ngayong Pasko.

Ayon kay Sasot, dapat umanong isagot sa “tita mong taklesa” kung tatanungin ka nito ay: Sisihin mo si Gloria.

“Kapag tinanong ka ng tita mong taklesa ngayong Noche Buena kung bakit wala kapang asawa, gayahin mo si PNoy: Sisihin mo si Gloria,” ani Sasot.

Napansin ito ni Ethel at tinawag niya ang tweet ni Sasot na “that’s so 2015”.

“That’s so 2015. Ang uso ngayon “Tita, give me at least 3 to 6 months at makakahanap din ako ng jowa.” Then kapag di mo natupad extend mo pa ng 5 more years. Charot!” ani Ethel.

Pumatok ito sa mga netizens, lalo na sa Twitter, kung saan nagtala ang tweet ni Ethel ng mahigit 4,500 retweets at 16,000 likes as of posting time.

Sinundan pa ito ni Ethel ng isa pang tweet at sinabing huwag masyado manlaban kay Tita ngayong Pasko.

“Wag masyado manlaban kay tita at baka sabihan ka ng “patayen keta!” Mawalan ka pa ng pamasko. Charot!” ani Ethel.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top