Ethel Booba, sinopla ang '1966 EDSA People Power' ni Sass Sasot | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ethel Booba, sinopla ang ‘1966 EDSA People Power’ ni Sass Sasot

Dutertrolls

Ethel Booba, sinopla ang ‘1966 EDSA People Power’ ni Sass Sasot

Revisionism gone wrong

Sinopla ng celebrity comedian na si Ethel Booba ang tweet ng Duterte supporter-blogger na si Sass Sasot kaugnay sa “1966 EDSA People Power Revolution”.

Sa tweet ni Sasot, ikinuwento nito na tatlong taong gulang pa lamang siya nang mangyari ang EDSA People Power Revolution noong “1966”. Iginiit ni Sasot na naging bloodless ang revolution dahil hindi umano inutos ng diktador na si Ferdinand Marcos ang pag-disperse sa mga tao roon.

“I was 3 years old when 1966 EDSA happen, which was bloodless because the Marcos government didn’t disperse the folks gathering at EDSA. I wasn’t yet aware of what’s happening at that time,” ani Sasot.

Ang tweet ni Sasot ay pinahapyawan naman ni Booba. Inungkat nito ang pagtaboy sa bandang The Beatles noong 1966 sa kautusan ni First Lady Imelda Marcos dahil sa pag-snub sa imbitasyon para mag-perform sa Malacañang.

“I’m not yet 3 years old like Sass when 1966 The Beatles concert happened, which was bloodless when they unintentionally snubbed the first lady Marcos invitation,” ani Booba.

“I wasn’t yet aware of what’s happening at that time but I’m aware that EDSA Revolution happened in 1986. Charot!” dagdag pa ni Booba.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top