HINDI KA RIN NAMIN RAMDAM | Mocha Uson: Hindi ko ramdam ang pagiging PCOO official | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

HINDI KA RIN NAMIN RAMDAM | Mocha Uson: Hindi ko ramdam ang pagiging PCOO official

Dutertrolls

HINDI KA RIN NAMIN RAMDAM | Mocha Uson: Hindi ko ramdam ang pagiging PCOO official

Hindi umano ramdam ni Mocha Uson ang pagiging Assistant Secretary sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Tama nga naman, kasi kailan ka ba namin naramdaman na nagtatrabaho ka?

Pinasaringan ni Uson sa kanyang Facebook page ang mga tao na ang konsepto ng isang government official ay mataas, dahil hindi daw ganoon ang nangyayari sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

“Ang problema kasi sa mga to ang konsepto nila ng official ay “mataas”. Hindi ganun sa pamahalaan ni PRRD,” ayon kay Uson.

Iginiit pa ni Uson na wala siyang pakialam sa kasalukuyang posisyon niya dahil ang importante umano sa kanya ay “makatulong”.

“Talagang wala tayong pakialam sa titulo. Sa inyo na yang titulo ang importante sa atin nakakatulong tayo sa mga himingi ng tulong kahit paunt-unti,” ani Uson.

Ayon pa kay Uson, hindi kailangang nasa gobyerno para tumulong. Subalit, tinanggap niya ang alok ni Duterte na nag-ugat sa utang na loob.

“Tulad ng sinabi ko po noon, hindi kailangang nasa gobyerno para tumulong. Nagkataon lang po na hiningan po tayo ng tulong sa PCOO,” ani Uson.

Magkano ba ang nilulustay natin para kay Mocha?

P106,454 ang buwanang sahod na natatanggap ni Uson bilang PCOO Assistant Secretary na nasa Salary Grade 29.

Maliban pa rito, tumatanggap rin siya ng P20,000 representation and transportation allowance, P5,000 monthly “extraordinary and miscellaneous”,P2,000 monthly personal economic relief allowance, P5,000 clothing allowance, at P5,000 cash gift.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top