Kagawad at kanyang grupo na nangingikil para kay Duterte, arestado sa Laguna | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Kagawad at kanyang grupo na nangingikil para kay Duterte, arestado sa Laguna

Dutertrolls

Kagawad at kanyang grupo na nangingikil para kay Duterte, arestado sa Laguna

Timbog sa isang operasyon ng mga pulis ang isang Barangay Kagawad at kanyang grupo na nangingikil umano sa mga dayuhang negosyante at prominteng personalidad sa Laguna.

At ang paliwanag ng mga inaresto ukol sa kanilang ginagawang pangingikil: gusto lamang nila tulungan si President Rodrigo Duterte sa kampanya kontra illegal na droga at krimen.

Nakumpiska sa mga suspek ang iba’t ibang baril, mga bala, at uniporme ng Philippine Army.

“At yan ay para po kay Presidente Rodrigo Roa Duterte,” ayon kay Pete Muega, suspek.

Dagdag pa ni Muega, ito ay kanilang ginagawa para matulungan si Duterte.

“Yan po ay para tayo ay makatulong dun sa kriminalidad, sa pagsugpo sa droga at dun sa korapsyon,” ani Muega.

Ayon pa kay Muega, nagre-recruit rin sila ng mga miyembro sa pamamagitan ng umano’y rebolusyonaryong grupo.

Tumambad naman ang mga pekeng ginto, pekeng tseke, at pekeng titulo na pinaniniwalaang ginagamit rin sa kriminal na aktibidad nila.

Ayon sa Laguna police, ang grupo ay nagbabanta rin sa mga biktima nito na papatayin at babayaran sila upang hindi ito gawin.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top