LOOK: Buses na pinanghakot sa Duterte supporters, nakabalandra sa Commonwealth | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Buses na pinanghakot sa Duterte supporters, nakabalandra sa Commonwealth

Dutertrolls

LOOK: Buses na pinanghakot sa Duterte supporters, nakabalandra sa Commonwealth

Nakabalandra sa kahabaan ng Commonwealth Ave. sa Quezon City ang mga bus na ipinaghakot sa mga tagasuporta umano ni President Rodrigo Duterte.

Mga air-conditioned tourist bus ang ginamit para sakyan ng Duterte supporters.

Sa ilang larawan, makikita na may nakakabit na tarpaulin sa mga bus, kung saan nakalagay na nanggaling ito sa Caloocan City.

Pro-Duterte SONA rally

Nakasabit na sa footbridge malapit sa Batasang Pambansa ang mga banner na sumusuporta kay Duterte, pati na rin ang kay Special Assistant to the President Bong Go.

Ilan sa mga tagasuporta ni Duterte ay nakasuot pa ng t-shirt na may nakaimprentang mukha ni Go.

 

Courtesy: Jel Santos, Manila Bulletin

Color-coded pa ang Duterte supporters na nakahimpil ngayon malapit sa Batasan Complex kung saan idadaos ang kanilang rally.

Courtesy: Rex Remition, CNN PH

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top