LOOK: Duterte supporters, nagkalat sa harap ng ICC; binaboy pa ang Philippine flag | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Duterte supporters, nagkalat sa harap ng ICC; binaboy pa ang Philippine flag

Dutertrolls

LOOK: Duterte supporters, nagkalat sa harap ng ICC; binaboy pa ang Philippine flag

Hindi pinatawad ng mga tagasuporta ni President Rodrigo Duterte ang watawat ng Pilipinas upang maghasik ng lagim sa labas ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ang cute-size na protesta ay isinagawa ng mga Duterte supporter kontra sa isinasagawang preliminary examination ng ICC laban kay Duterte, at nanawagan rin na bumaba sa pwesto si Vice President Leni Robredo.

Pinangunahan naman ni Duterte supporter-blogger Sass Sasot ang DDS rally.

Makikita sa mga screenshot galing sa Facebook live ang watawat ng Pilipinas na tinapalan ng pagmumukha ni Duterte at pinaglalagyan pa ng kung anu-ano.

Dinala rin sa rally ang isang standee ni Duterte.

Heraldic Code

Mahigpit na ipinagbabawal ng RA 8491 o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines ang alinmang pagtatapal o paglalagay ng kung anu-ano sa Philippine flag.

RA 8491 Chapter 1 I. Prohibited Acts Section 34 (f): To add any word, figure, mark, picture, design, drawings, advertisements, or imprint of any nature on the flag.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top