LOOK: Pro-Duterte 'news portal', naghahanap ng Journalism students at bloggers | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Pro-Duterte ‘news portal’, naghahanap ng Journalism students at bloggers

Dutertrolls

LOOK: Pro-Duterte ‘news portal’, naghahanap ng Journalism students at bloggers

Desperate times call for desperate measures.

Isang “news portal” na sumusuporta kay President Rodrigo Duterte ang naghahanap ng mga Journalism students at bloggers na magpapakalat ng propaganda ng administrasyon.

Nakita ito ng isang Twitter user na si @LivesMatterPH sa website na Freelancer.com.

“For Hire: 1) $1 per minute creating a video in support of Duterte. 2) 3 posts a day on to Duterte’s “news portal” and yes, you need to be “Filippino”,” ayon kay @LivesMatterPH.

Ang isang online job posting ay naghahanap ng mga Journalism students upang gumawa ng video na sumusuporta kay Duterte.

Ang isang minuto ng video ay nagkakahalaga ng $1 o PHP 50.454.

Courtesy: @LivesMatterPH / Twitter

Samantala, blogger naman ang hinahanap sa isa pang online job posting sa Freelancer.

Ang siste: kailangang mag-post ng tatlong articles bawat araw.

Pumapatak naman ng $10 (PHP 505)  hanggang $30 (PHP 1,514) ang ibabayad sa blogger.

Courtesy: @LivesMatterPH / Twitter

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top