Mar Roxas sa akusasyon sa kanya ni RJ Nieto: Konting thinking naman, 'di ba! | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mar Roxas sa akusasyon sa kanya ni RJ Nieto: Konting thinking naman, ‘di ba!

Dutertrolls

Mar Roxas sa akusasyon sa kanya ni RJ Nieto: Konting thinking naman, ‘di ba!

Pinabulaanan ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang akusasyon sa kanya ni RJ Nieto na nasa likod ng pro-Duterte Facebook page na “Thinking Pinoy”.

Ito ay matapos ilantad ni Nieto sa Senate hearing ukol sa fake news proliferation na kinasangkapan umano ni Roxas ang isang taong nagngangalang si Joyce Jimenez upang siraan si dating Pangulong Benigno Aquino III.

“The #NasaanAngPangulo campaign, based on the information that I got, is a campaign that’s intended to pin down all the blame over the Mamasapano incident on former President Aquino apparently so that if Mar runs for the presidency he can be shielded from the bad PR,” ani Nieto.

Ayon kay Roxas, hindi niya kilala at wala umano siyang kinalaman kay Nieto o kay Ramirez.

Iginiit ni Roxas na hindi siya pailalim kung kumilos at wala siyang dahilan upang siraan si Aquino.

Ang buong pahayag ni Roxas:

To Mr Thinking Pinoy. Tatlong bagay lang:

Hindi ko kilala at wala akong kinalaman kahit katiting sa iyo, kay Joyce Ramirez o sa sinasabi mong Nasaan ang Pangulo. May ebidensya ka?

Deretso akong tao, hindi ako pailalim kumilos. Walang logic ang sinasabi mo.

Bakit ko sya sisiraan eh inaasahan ko nga ang endorsement nya. Konting thinking naman, di ba?

PS, ikaw ang fake news!

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top