Mocha Uson, hindi mo magawang bisitahin si Kian dahil suportado mo ang patayan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson, hindi mo magawang bisitahin si Kian dahil suportado mo ang patayan

Dutertrolls

Mocha Uson, hindi mo magawang bisitahin si Kian dahil suportado mo ang patayan

Heto na naman tayo sa katangahan mo, Mocha Uson.

Nalulungkot ka sa nangyari kay Kian. Pero mas nalulungkot ka dahil ginagamit umano ng mga pulitiko ang insidente para sa sariling interest.

Pero ‘di ba ginagamit mo rin ang nangyari kay Kian, at pilit mong binabaluktot para lang maipagtanggol mo si President Rodrigo Duterte?

Hindi lang ikaw, kundi lahat ng mga kampon mo ay pilit binabaluktot, iniiba, at pinaninindigan ang naratibo ng pulis, dahil ika nga ng boss mo, doon lang siya maniniwala.

At bakit si Senator Risa Hontiveros lang ang pinapatamaan mo? Kasi bumisita at inalam niya ang nangyari kay Kian? Paano naman ‘tong mga kaalyado ng boss mo sa Senado na biglang nag-360°?

 

Senator Sonny Angara on the death of Kian Loyd de los Santos.

 

Senator Richard Gordon on the death of Kian Loyd de los Santos.

Senator Joel Villanueva on the death of Kian Loyd de los Santos.

Senator JV Ejercito on the death of Kian Loyd de los Santos.

Senator Koko Pimentel on the death of Kian Loyd de los Santos.

Ang problema kasi sa inyo, Mocha, ay hindi niyo kayang pumunta’t makidalamhati sa pamilya ni Kian. Hindi niyo kayang pumunta doon dahil suportado niyo ang patayan, at patuloy niyo pa ring pinaniniwalaan ang naratibo ng mga pulis.

 

Hindi mo kayang pumunta sa burol ni Kian dahil alam mong pagtatawanan ka lang ng mga kampon mo. Dahil ang nasa isip ng mga kampon mo: adik si Kian. Nanlaban si Kian. Drug runner si Kian. So bakit mo pupuntahan?

Totoo ba talagang nalulungkot ka sa nangyari kay Kian? O nakikiuso ka lang? Bukas, o makalawa, babansagan mo rin si Kian na adik at runner. Hindi ka lang makatiis ngayon dahil matindi ang galit ng bayan.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top