Mocha Uson: Sana i-extend ni Duterte ang kanyang termino sa kahit anong paraan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson: Sana i-extend ni Duterte ang kanyang termino sa kahit anong paraan

Dutertrolls

Mocha Uson: Sana i-extend ni Duterte ang kanyang termino sa kahit anong paraan

Susmaryosep. 

Nais ni Mocha Uson, ang Assistant Secretary ng Presidential Communications and Operations Office (PCOO), na palawagin pa ang termino ni President Rodrigo Duterte dahil kulang pa daw ito.

“I believe six years is not enough,” ani Uson.

Sa kanyang column sa Philippine Star, inilahad ni Uson ang mga naging programa ni Duterte at binanatan ang mga nagdaang administrasyon.

“With what they did in their six years in power, it’s evident that he is doing so much more in just his first year in office. If he could do so much in just one year, imagine what he could achieve for the Filipinos in his remaining five years?” ayon kay Uson.

Pinapangarap ni Uson na mapalawig pa ni Duterte ang kanyang termino “sa kahit anong paraan”.

“I am hoping that he would be extending his term by any means to make sure that our country would be lifted out of the horrible pit the past Presidents have brought us into,” ani Uson.

Naging daan ang 1987 Constitution na maiwasan ang mahabang termino ng isang Pangulo.

Article VII, Section 4: “The President and the Vice-President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years which shall begin at noon on the thirtieth day of June next following the day of the election and shall end at noon of the same date, six years thereafter. The President shall not be eligible for any re-election. No person who has succeeded as President and has served as such for more than four years shall be qualified for election to the same office at any time.”

Ang diktador na si Ferdinand Marcos ay nagkaroon ng halos dalawang dekada na termino dahil sa pagdedeklara ng martial law at pagtatatag ng 1973 Marcos Constitution.

Ang panawagan ni Uson na ‘one more term’ para kay Duterte ay nababalot na agad ng duda.

Noong 2016, kasagsagan ng kampanya, sinabi ni Duterte wala ring saysay na bigyan pa siya ng 10 taon kung hindi naman niya masosolusyunan ang mga problema ng bansa, partikular ang droga at krimen sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

“If I cannot do it in six months, I will never be able to do it even if you give me 10 years,” ayon kay Duterte.

Hindi rin sigurado si Duterte kung matatapos niya ang buong termino dahil na rin sa katandaan.

“This is my last hurrah. After this, 77. I am not sure if I will still be around by the end of my term,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top