Mocha Uson, sinisi ang mga "dilawan" sa pangunguna ni VP Leni Robredo sa Twitter poll | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mocha Uson, sinisi ang mga “dilawan” sa pangunguna ni VP Leni Robredo sa Twitter poll

'Di Best, 'Di Brightest

Mocha Uson, sinisi ang mga “dilawan” sa pangunguna ni VP Leni Robredo sa Twitter poll

Nagpa-Twitter poll. Nag-backfired. Nanisi.

Matapos manguna si Vice President Leni Robredo sa kanyang Twitter poll, naghuramentado si PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa naging resulta at sinisi ang mga “dilawan”.

Sa kanyang mahaba ngunit sabog-sabog na rant sa Facebook, dito ay ipinaliwanag ni Uson kung paano umano nanguna si Robredo sa kanyang poll.

“Ang resulta na ito ay nagpapatunay lamang ng ang mga dilawan ay organisado. Noong unang mga oras ng paglabas ng Poll hindi po nangunguna si Leni. Ngunit makalipas ang ilang oras bigla-bigla itong tumaas at ni-retweet ng mga poser accounts. Hindi ko po sinasabi na ang entire poll ay binoto ng mga fake accounts nI Leni pero ito ay sabay-sabay ni-retweet ng mga fake accounts at ito naman ay ni-replayan ng mga followers nito,” ayon sa rant ni Uson.

Sa isang pangungusap lamang, sinabi ni Uson na tanggapin umano ang naging resulta ng kanyang poll subalit huwag daw ito sang-ayunan.

“Hindi man natin gusto ang resulta ngunit kung ito ang lumabas tanggapin natin at hindi ibig sabihin na ito ay ating sang ayunan,” ani Uson.

Base sa final tally ng Twitter poll ni Uson, 81% ng mahigit 16,800 netizens ay bumoto para kay Robredo.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top