PDP-Laban, kinudeta; ilang mga miyembro, balak mag-alsa-balutan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

PDP-Laban, kinudeta; ilang mga miyembro, balak mag-alsa-balutan

'Di Best, 'Di Brightest

PDP-Laban, kinudeta; ilang mga miyembro, balak mag-alsa-balutan

Supermajority no more

Matapos ang kudeta sa House of Representatives, kinudeta rin ang Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ang ruling party ni President Rodrigo Duterte.

Sa ginanap na national assembly sa Amoranto Stadium sa Quezon City, nagtipon-tipon ang mga miyembro ng partido para maghalal ng mga bagong opisyales nito.

Nais tanggalin ng mga miyembro sina Senator Koko Pimentel bilang party president at Rep. Pantaleon Alvarez bilang secretary general.

Ayon kay Willy Tayag, presidente ng PDP-Laban Makati City Council, magbobotohan sila sa mga bagong opisyal ng partido. Si Tayag ay nais palitan si Alvarez sa pagka-secretary general.

Courtesy: Sherie Ann Torres, ABS-CBN News

Mariing itinanggi naman ni Pimentel ang ginanap na national assembly, at iginiit na unauthorized ang pagtitipon.

“The gathering in QC is unauthorized; I have instructed the lawyers of the party to file cases against those who were there,” ani Pimentel.

“There’s no more sense in talking to these guys. They’re rogue members, even non-members. We’ll just look at some of our legal remedies,” dagdag pa ni Pimentel.

Inihalal sa assembly si Rogelio Garcia bilang bagong party president, si Abbin Dalhani ang party executive vice president, secretary general naman si Tayag, habang si Special Assistant to the President Bong Go ang auditor.

Exodus

Balak ng ilang mga kongresista na lumayas sa PDP-Laban matapos ihalal si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang House Speaker.

Ayon kay Rep. Rolando Andaya Jr, maaari silang umanib sa regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago (HNP).

Tinitingnan nila Andaya ang pakikipag-alyansa sa isang national political party dahil pang-Davao region lang ang HNP ni Sara.

“That could be a scenario. But ‘yun nga, the fact is regional [party] pa lang and wala pa kong narinig na balita na Hugpong is a recognized national party na,” ani Andaya.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top