Pinsan ng anti-human rights netizen, pinatay ng mga pulis | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Pinsan ng anti-human rights netizen, pinatay ng mga pulis

Dutertrolls

Pinsan ng anti-human rights netizen, pinatay ng mga pulis

Namatay habang nasa kustodiya ng mga pulis ang dating Overseas Filipino Worker (OFW) at cancer patient na si Allan Rafael.

Kwento ng kapatid ni Allan na si Aarun Rafael, pinara si Nalla sa umano’y checkpoint ng mga pulis sa Recto, Maynila. Tila hulidap ang nangyari kay Allan habang ito’y nasa checkpoint dahil pinag-iinitan ang kanyang relo at pinipilit pa itong mag-withdraw ng pera.

“Noong Huwebes Agosto 2, 2018 bigla nalang po siyang pinara ng mga pulis sa may Recto, check point daw. Kwento ni kuya, tila HULIDAP pa ang nangyari dahil tinanong pa ng mga pulis kung original daw ba yung relo niya GShock bago ito kunin, pinilit din siyang mag withdraw ng pera ng mga pulis bago dalhin sa Barbosa Police Station sa may Quiapo,” ani Aarun.

Pinagsuspetsahan pa daw si Allan na gumagamit ng droga dahil sa itsura nito. Ayon kay Aarun, nagke-chemotherapy si Allan kaya ganoon na lang kapayat at miserable ang itsura nito.

“Pagdating sa presinto pilit siyang pinapaamin na nagdra-drugs ang Kuya ko dahil mukha nga daw siyang adik. Natural po na payat ang kuya ko kasi galing sa chemo!” ani Aarun.

Nabisita pa nila ito sa presinto at kwento ng biktima, binubugbog siya ng mga pulis.

“Nung dinalaw namin sa presinto noong Linggo, malakas pa ang kuya ko, pero kinukwento na niya na binubogbog at sinasampal siya ng mga Pulis doon pati yung dibdib niya na bagong opera para umamin na nag-drugs siya. May binabanggit pa yung mga pulis na palit-ulo?” ani Aarun.

Noong August 6, bangkay na nang madatnan si Allan at agad itong ipinaimbalsamo ng mga pulis. Malakas ang kutob ng mga kamag-anak ng biktima na pinatay ito ng mga pulis.

“Ang tanong namin sa mga Pulis sa Barbosa Police Station, bakit pina-embalsamo kaagad ang bangkay ng kuya ko nang wala mang pahintulot sa amin? Bakit parang basang-basa si kuya na parang niloblob sa tubig?” ani Aarun.

Pinsan ng anti-human rights

Samantala, hustisya rin ang sigaw ng pinsan ni Allan na si Lheenrose Alvarez.

Nais ni Alvarez na mapanagot ang mga pulis at naniniwalang na-frame up lang ito.

“Managot ang dapat managot. Isang taong may karamdaman kaya ‘di kami naniniwala sa mga pulis,” ani Alvarez.

Ngunit bago pa man mangyari ang pagpatay sa kanyang pinsan, laman ng Facebook account ni Alvarez ang mga patutsada laban sa human rights at sa mga advocate nito.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top