Pro-Duterte Manila Times columnist, nauto ng fake news | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Pro-Duterte Manila Times columnist, nauto ng fake news

Dutertrolls

Pro-Duterte Manila Times columnist, nauto ng fake news

Nauto ang Manila Times columnist at tagasuporta ni President Rodrigo Duterte na si Yen Makabenta ng isang fake news.

Inilathala ni Makabenta sa kanyang column sa Manila Times nitong Sabado ang balita tungkol sa pagtatanggol umano ni United States Ambassador to the United Nations Nikki Haley kay Duterte.

Ang pekeng balita ay galing sa isang website na gumagaya sa Al Jazeera.

 

Sinakyan rin ng mga Duterte supporters ang fake news at inilathala rin ito sa iba pang mga fake news websites na pinapatakbo nila.

 

Walang pahayag na ginawa si Haley na ipinagtanggol nito si Duterte.

Subalit noong confirmation hearing niya sa US Senate, sinabi ni Haley na ipoprotesta niya ang mga extrajudicial killings sa drug war ni Duterte sa United Nations sapagkat human rights violations ang mga ito.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top