RJ Nieto, Mocha Uson inakalang mali at fake news ang TV Patrol report tungkol sa Korean language | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

RJ Nieto, Mocha Uson inakalang mali at fake news ang TV Patrol report tungkol sa Korean language

Dutertrolls

RJ Nieto, Mocha Uson inakalang mali at fake news ang TV Patrol report tungkol sa Korean language

Daming time kumuda, walang time manood!

Binansagang “fake news” at isang pagkakamali nila RJ Nieto (ThinkingPinoy) at PCOO Assistant Secretary Mocha Uson ang isang report ng TV Patrol ukol sa pagpasok ng Korean language bilang elective sa Junior High School.

Isang screenshot mula sa TV Patrol report ang kanilang ginamit kung saan makikita ang isang guro na nagsusulat ng Nihonggo o Japanese words sa whiteboard. Habang nakalagay naman sa lower third ang “Korean Language, ituturo na bilang elective sa Junior High School”.

“Psst TV Patrol, Japanese yan, hindi Korean. SUSMARYOSEP. #FakeNews,” ani Nieto.

Ito naman ang sinabi ni Uson:

FAKE NEWS O PAGKAKAMALI LANG???

Korean ang sabi ngunit Nihongo/Japanese sulat sa larawan. Matatawag po ba natin itong FAKE NEWS? O sadyang nagkamali lang? 

Sa totoo lang po maaring nagkamali lang at hindi naman sinasadya o matatawag na FAKE NEWS ito. Ngunit kung tayo o mga bloggers ang nagkamali sigurado akong balita na ito sa karamihan ng MAINSTREAM MEDIA at sasabihing FAKE NEWS tayo. Kaya hindi masisi ang mga netizens kung sabihin ito ay FAKE NEWS din. 

The truth

Sa buong video ng report, makikita sa umpisa pa lang ay mayroong estudyanteng nagsusulat ng Hangul o Korean language dahil gusto nito magtrabaho sa South Korea balang araw.

Sa bahagi naman ng video kung saan nagsusulat ng Nihonggo ang guro na ginamit nila Nieto at Uson, sinabi ni ABS-CBN News reporter Carolyn Bonquin na makakasama ang Korean language sa hanay ng ibang foreign language na ibinibigay sa ilang public school.

Panoorin ang buong report:

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top