Sass Sasot, sinunog ng mga netizens dahil sa tweet nito vs mainstream media | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Sass Sasot, sinunog ng mga netizens dahil sa tweet nito vs mainstream media

Dutertrolls

Sass Sasot, sinunog ng mga netizens dahil sa tweet nito vs mainstream media

Kung may mga napuputukan sa pagsalubong sa bagong taon, mayroon ring nasusunugan.

Pinasaringan ni Duterte blogger-supporter Sass Sasot ang mainstream media kaugnay sa umano’y katiwalian na nangyayari sa industriya.

“Can you name any Filipino journalist who became a whistleblower on corruption in Philippine mainstream media? Tough one, no?” ani Sasot.

Pinalagan naman ng mga netizens ang nasabing tweet ni Sasot.

Ipinaalala ni Twitter user Ellen Arsenio (@EllenArsenio) ang iskandalong ginawa ni Sasot kung saan kinumpronta nito ang isang BBC reporter dahil sa pag-interview kay Pinoy Ako Blog author Jover Laurio sa BBC World News.

“I can name one person who cried so hard in front of someone from the BBC because they weren’t getting interviewed because they were relatively unknown,” ani Arsenio.

Ayon naman kay Twitter user Zenaida Seva (@scorsaguin), walang moral ascendancy si Sasot sa mga mamamahayag para pag-usapan ang media corruption.

“True, there’s culture of corruption in mainstream media pero bilang isang bayarang propagandista you have no moral ascendancy over journalists. Sit down chaka girl,” ani @scorsaguin.

In-edit naman ni Twitter user Jay Beltran (@jay_beltran) ang sinabi ni Sasot upang itugma ito para sa mga katulad nitong DDS bloggers.

“Can you name any blogger from the DDS Camp who hasn’t spread any fake/questionable news? Tough one, no?” ani Beltran.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top