Stepdad ng netizen, inakusahan ng Duterte supporter na pulis na pumatay kay Kian | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Stepdad ng netizen, inakusahan ng Duterte supporter na pulis na pumatay kay Kian

Dutertrolls

Stepdad ng netizen, inakusahan ng Duterte supporter na pulis na pumatay kay Kian

May bagong nabiktima na naman ang mga Duterte supporters para gamitin sa kanilang propaganda sa pagpatay kay Kian Loyd de los Santos.

Isang Duterte supporter na nagngangalang “Aina Castillo” ang nag-post ng picture kung saan makikita si Vice President Leni Robredo kasama ang isang lalaki. Ayon sa kanya, ang lalaki na kasama ni Robredo ay ang pulis na pumatay kay de los Santos.

Ang post ni Castillo ay ibinahagi rin ng Facebook page na “Pork Ng Ina Mo”.

“Yan ang.Police na bumaril sa anak ninyo kasama ni fake VP Leni…kayo na humusga dito ….,” ayon kay Castillo.

“Ito daw yung pulis na bumaril kay Kian delos Santos,” ayon naman sa caption ng “Pork Ng Ina Mo”.

Nag-comment naman sa post ng nasabing Facebook page ang isang netizen, kung saan pinabulaanan niya ang nakalagay sa picture.

Ayon kay Lane Mathew Santos Calderon, ang lalaki sa litrato na kasama ni Robredo ay ang kanyang stepdad. Iginiit rin niya na hindi pulis ang kanyang stepdad at lalong hindi iyon ang pumatay kay de los Santos. Nagbanta rin si Calderon na kakasuhan niya ang nagkalat ng litrato.

“Tangina hindi pulis yan. Step dad ko yan! Tanginang to kakasuhan ko nagkalat neto! Bobo puta! Putangina nyo galit na galit nga yan sa mga pulis na pumatay kay kian e tapos step dad ko pa mapagkakamalan. MGA PUTANGINA NINYO MGA BOBO!” ayon kay Calderon.

Isang Duterte supporter na si Nitrojun Bakiao Econar ang nag-reply sa comment ni Calderon, at inakusahan nito si Calderon at mga “dilawan” na nagkakalat ng maling impormasyon upang palabasin na bobo ang mga katulad niyang tagasuporta ni President Rodrigo Duterte.

“Baka kau ang nagkakalat ng maling info na yan para kagatin nina mocha? Mga dilawan rin nagkakalat ng ganyan eh para makuryente at palabasing bobo ang mga dds,” ayon kay Econar.

Sumagot naman sa Calderon, at sinabing “Anong akala mo sakin! Putangina hindi nga kao bumoto nung eleksyon e. Putangina wala akong kinakampihan. Ang sinasabi ko hindi pulis ang step dad ko at hindi siya ang pumatay normal na tao lang yan. Putangina gago kang putang ina mo!”

Nagbahagi pa ng larawan si Calderon upang patunayan na hindi pulis ang kanyang stepdad.

“Ano? Tangina mo profile picture nya tignan mo date tangina ka! Hindi sa lamay yan tangina ka! Campaign ni leni yan nagpapicture lang sya. Yan yung picture na nakuha nung ugok na aina na yan,” ani Calderon.

Ayon pa kay Calderon, nag-message na siya sa Facebook page habang ang stepdad niya ay nag-message naman kay Castillo ukol pabulaanan ang maling paratang.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top