Veteran journalist Ed Lingao, sinupalpal ang isang Dutertroll | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Veteran journalist Ed Lingao, sinupalpal ang isang Dutertroll

Dutertrolls

Veteran journalist Ed Lingao, sinupalpal ang isang Dutertroll

Itinaas na ng BFP sa General Alarm dahil sa nasunog na Dutertroll!

Hindi nakaporma ang isang troll Duterte supporter kay veteran journalist at TV5 news anchor Ed Lingao.

Ito ay matapos akusahan nito si Lingao na bayarang media at kapitbahay niya raw ito.

“bayarang media nga po yan…kilalang kilala yan sa amin..may kapitbahay po kmi pinsan nyan sya ang nagkwekwento dhil nkakasama nya po yan c Ed Lingao,” ani Grace Perez, ang Dutertroll.

Pinabulaanan naman ni Lingao ang akusasyon laban sa kanya.

Basahin ang buong post ni Lingao:

Pakapalan lang talaga ng mukha, ano, Grace Perez? I seldom single out people for their stupidity, pero you take the cake. Nagkakalat ka ng storya na kilala akong bayaran sa inyo (sa Dasmarinas Cavite? Huh?) dahil may kapitbahay ka raw na pinsan ko na nakakasama ko raw sa pagkabayaran. Kumplikado ata ang storya mo hija. Parang kwento talaga ng lolo mo na kapitbahay ng manugang ng best friend mo ano?

Hija, hindi ka talaga nahiya sa balat mo ano? Unang una, hindi ako taga cavite, at wala akong pinsan sa cavite. Sunod, hindi ako lumaki kasama ang mga pinsan ko. Higit sa lahat, hindi ko nakakasama ang mga pinsan ko sa trabaho ko. Ano ba ang akala mo sa trabaho ko, family affair? (Oonga pala, baka yung mga idol mo, ganun kasi ang ginagawa sa media) E di magsama na lang kayo hija.

Kung gagawa ka rin lang ng storya, yung medyo may kuneksyon naman sa akin. Pero kung makapal talaga ang mukha mo at malabnaw ang dugo mo sa utak, wala akong magagawa, ano? 

No I do not intend to sue, because public stupidity is punishment enough, and the courts need their resources for more important cases. To those concerned it’s a fake account, it doesn’t look like one. May posts as far back as 2013. Yun lang, ang url niya, alexhunk666

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top