VP Leni Robredo, balak sampahan ng kasong kriminal si Drew Olivar | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

VP Leni Robredo, balak sampahan ng kasong kriminal si Drew Olivar

Dutertrolls

VP Leni Robredo, balak sampahan ng kasong kriminal si Drew Olivar

FINISH HIM

Balak sampahan ng criminal charges ni Vice President Leni Robredo si Drew Olivar, ang kasama ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson sa ‘Pepedederalismo’ video.

Ito ay dahil sa walang habas na pagbatikos at pagpapakalat ng sexual allegations ni Olivar laban kay Robredo at sa kanyang pamilya.

Pinasaringan ni Olivar ang pagbisita noon ni Robredo sa South Africa.

“Forty-eight years ka nang nandiyan sa South Africa wala ka pa rin dito. Puro photo op ka parati diyan putangina mo,” ani Olivar.

“Kahit naririnig ng mga tao wala [akong] pakialam kahit public scandal ito e totoo naman na nagpapakantot ka lang naman diyan sa South Africa,” dagdag pa ni Olivar.

Binanatan rin ni Olivar ang pag-aaral ng anak ni Robredo na si Aika sa Harvard University sa Amerika.

“‘Yang anak mo, mag-aaral sa Harvard P150,000 or P200,000 ang lifestyle tapos wala namang gagawin sa bayan,” ani Olivar.

Ayon sa spokesperson ni Robredo na si Barry Gutierrez, pinag-aaralan na ng kanilang kampo ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay Olivar.

“Our legal team is currently looking into the possibility of filing a criminal complaint. Do stay tuned,” ani Gutierrez.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top