WATCH: Duterte supporter, nagwala sa Hong Kong | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Duterte supporter, nagwala sa Hong Kong

Dutertrolls

WATCH: Duterte supporter, nagwala sa Hong Kong

Sabog ka na naman at makulit.

Nagwala ang isang tagasuporta ni President Rodrigo Duterte habang nagtitipon-tipon ang ilang anti-Duterte Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hong Kong.

Sapul sa mga video na in-upload sa Facebook ang pagwawala, panduduro, at pagmumura ng pro-Duterte OFW.

Ayon kay Trudis Baniaga, bigla na lamang umeksena ang lalaki sa kanilang isinasagawang Five ‘O Clock Protest ng mga grupong Bayan at Migrante.

“While having the series of five o’clock protest, and the topic being discussed by Eman is corruption under the government of Duterte, this DDS suddenly barged in. Walang ibang klarong sinabi kundi ang sumigaw at magmura. Nakalulungkot dahil xa man ay biktima rin ng corrupt na gobyerno na kanyang hinahangaan at ipinagtatanggol,” ani Baniaga.

Isa pa nating kababayan ang nagkwento ng pagwawala ng Duterte supporter.

Ayon kay Yal Nikkuh Barrio, malulutong na mga mura ang paraan ng pagtatanggol ng mga panatiko kay Duterte.

“Ganito ipagtanggol ng panatiko ang Pangulo.Ayaw na batikusin ang Duterte Administration laban sa kurapsyon.Malutong na mura ngunit di mkakaila na isa sya sa apektado ng khirapan dala ng kurapsyon dhil napabilang sya sa naghihirap at pinagsamantalahan ng kurap na gobyerno,” ani Barrio.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Dutertrolls

To Top