Fight of the Century: Duterte vs Carpio-Morales | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Fight of the Century: Duterte vs Carpio-Morales

Editorial

Fight of the Century: Duterte vs Carpio-Morales

Kumbaga sa sports, boxing ang tema ng pulitika ngayon. No, Manny. Huwag ka makisali, but you can call us anytime.

In the right corner, Ombudsman Conchita Carpio-Morales. While in the left corner, President Rodrigo Duterte.

Bitbit ni Morales ang kanyang karanasan sa pagiging Ombudsman: mula sa pagtestigo laban sa dating Chief Justice hanggang sa pagpapakulong sa tatlong senador na sangkot sa pork barrel scam.

Habang nananalig naman si Duterte sa kanyang pangakong “stop corruption” at sa pagiging matapang at prangka nito.

Nanindigan si Morales at ang kanyang Office of the Ombudsman na walang makakapigil sa kanila na imbestigahan ang tagong yaman ng pamilya Duterte.

At iginiit pa nito na hindi sila magpapasindak kay Duterte.

“Sorry, Mr. President, but this Office shall not be intimidated,”

“If the President has nothing to hide, he has nothing to fear,” ani Ombudsman.

Sa kabilang banda, pinalalabas ni Duterte at ng Malacañang na tiwali si Morales at kinakasangkapan ito, kasama na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno, upang i-destabilize ang administrasyon.

“I challenge the two. We will go to Congress in a simple ceremony. We sign the letter of resignation. Sige nga. Then let us open all the books, pati inyo. Kung magsalita na,” ani Duterte.

Ang malinaw: habang gumugulong ang imbestigasyon kaugnay sa tagong yaman, nakokorner ni Morales si Duterte na pilit pumapalag kahit wala naman itong natatamaan.

Basang-basa na ng mga Pilipino ang istilo ni Duterte. Kapag nakokorner, papalag at papalag ito hanggang makatakas sa kalaban.

Ngunit kung makatakas man siya sa kalaban, makatakas kaya siya sa katotohanan?

Ang katotohanang walking impeachable offense siya: mula sa pagtatago ng yaman hanggang sa pagpatay ng libu-libong mga Pilipino sa ngalan ng war on drugs.

Hindi rin makakatas si Duterte sa mata ng mga Pilipino.

Habang ang kanyang mga supporters ay umaasang nagpapatalo lang ito sa simula at babawi kalaunan, alam ng karamihan na sa simula pa lang ay hindi na matatakasan pa ni Duterte ang pagkatalo nito kahit pumalag pa ito.

Pumalya o pinalya man ang mga naatasang umusig sa mga may sala, hindi makakatakas si Duterte sakaling usigin siya ng mga Pilipino.

Habang ang sinasandalan ni Duterte ay pawang mga supporters lang nito na sa paglipas ng mga araw ay nababawasan dahil wala silang mapapala kakatanggol sa taong ito kung hindi naman sila mapakain at mabigyan ng disenteng pamumuhay nito.

Habang umaasa naman ang mga tao kay Morales na mapapanagot nito ang mga nagkasala sa taumbayan: mula sa mga nangulimbat sa pera ng bayan hanggang sa nagtaksil sa sinumpaang tungkulin at inabuso ang kapangyarihan.

Nawa’y alam pa ni Duterte ang kanyang laro, at hindi pa siya ang pinaglalaruan nito. Hindi sapat na palabasin ang sarili bilang galit sa korapsyon. Ang hinahanap at mas kinabibiliban ng mga Pilipino ay ang may nagawa na at may ginagawa upang panagutin ang mga corrupt.

Naisahan mo man Duterte sa una ang publiko, likas sa mga Pilipino ang gumanti lalo na kung naloloko. Lintik lang ang walang ganti.

Huwag tayong magpapahuli at usisaing mabuti ang bawat suntok na pinapakawalan sa tila fight of the century sa mundo ng pulitika.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Editorial

To Top