Atty. Mel Sta. Maria: 'Wag iboto ang mga kandidatong suportado ang pagkutya sa Diyos | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Atty. Mel Sta. Maria: ‘Wag iboto ang mga kandidatong suportado ang pagkutya sa Diyos

Halalan 2019

Atty. Mel Sta. Maria: ‘Wag iboto ang mga kandidatong suportado ang pagkutya sa Diyos

Bumuwelta si FEU Institute of Law Dean Mel Sta. Maria sa pagkutya ni President Rodrigo Duterte laban sa Diyos.

Matatandaan na tinawag ni Duterte ang Diyos na “stupid”.

Ayon kay Atty. Sta. Maria, bilang Katoliko at naniniwala sa Diyos ay nababahala siya sa pahayag ni Duterte.

“Well, alam niyo Mr. President, ako ay isang Katoliko. Bagamat ako ay hindi perpektong Katoliko at may mga imperpeksyon ako,’yung tinatagurian niyo na ‘stupid God’ ay Diyos ko. Aking Diyos ‘yun kaya ako’y nababahala, para ho sa akin ay parang nag-out of bounds kayo,” ani Sta. Maria.

Iginiit ni Sta. Maria na foul ang sinabi ni Duterte laban sa Diyos at sa kabila nito, patuloy pa rin siyang mananalig sa umano’y “stupid God”.

“Basta po tayo, ako, may relihiyon, ako po ay kaanib sa relihiyon na ‘yan at matiwasay naman po ang aking paniniwala at pananalig sa relihiyon na ‘yan, kahit po ako’y taong isang makasalanan o madaming infirmities, pero naniniwala pa rin ako sa Diyos ko na sinabi niyong stupid God. Foul po ‘yan, Mr. President. Foul,” ani Sta. Maria.

Samantala, hinimok naman ni Sta. Maria ang publiko na huwag iboto sa darating na Halalan 2019 ang mga kandidatong sinusuportahan ang mga pinunong kinukutya ang Panginoon.

“Sa darating pong eleksyon, kung sino man po ang sumasang-ayon sa mga kandidato o nakikipag-alyansa sa sinumang pinuno na nagkakastiga o nagsasabi na ang Diyos ng mga Katoliko ay isang ‘stupid God’; hindi ko po bobotohin ‘yan. At sana po, doon sa mga like-minded ay huwag na po nating iboto yang mga nakikipag-alyansa sa mga lider na naniwalang ganyan,” ani Sta. Maria.

“[Sa] 2019 po magkaroon tayo ng peaceful revolution sa mga ilang bagay na ngayon ay bumabalot sa ating lipunan. Tignan po natin ang mga kandidato kung nakikipag-alyansa po sila sa mga public official na umaanib sa mga taong nagsasabi na ang Diyos ay isang ‘stupid God’ ng mga Katoliko. Huwag po nating iboto ‘yan,” dagdag pa ni Sta. Maria.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Halalan 2019

To Top