Former Solicitor General Florin Hilbay, tatakbong senador sa Halalan 2019 | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Former Solicitor General Florin Hilbay, tatakbong senador sa Halalan 2019

Halalan 2019

Former Solicitor General Florin Hilbay, tatakbong senador sa Halalan 2019

Inanunsyo na ni dating Solicitor General Florin Hilbay ang kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa Halalan 2019.

Ayon kay Hilbay, ang kanyang kandidatura ay “tugon sa hamon na pagsilbihan ang taumbayan & ipagpatuloy ang pagtanggol sa ating demokrasya.”

Ibinahagi pa niya ang kanyang prinsipyo: “Simple lang: ANG TAMA, NILALABAN.”

“Ang prinsipyong ito ang pinakamatatag na pundasyon para protektahan & itaguyod ang kapakanan ng sambayanan,” ani Hilbay.

Si Hilbay ay naglingkod bilang Solicitor General sa administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III. Bilang Solicitor General, nirepresenta niya ang Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration upang ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Nanguna si Hilbay sa 1998 Bar examinations.

Sa kasalukuyan ay nagtuturo ng constitutional law si Hilbay sa University of the Philippines – Diliman.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Halalan 2019

To Top