LOOK: Pinapamigay na payong ni Bong Go, tinapon sa basurahan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

LOOK: Pinapamigay na payong ni Bong Go, tinapon sa basurahan

'Di Best, 'Di Brightest

LOOK: Pinapamigay na payong ni Bong Go, tinapon sa basurahan

Nahuli sa akto ng isang netizen ang pamimigay ng mga payong na may tatak na “Bong Go for Senator” sa labas ng mall sa Naga City.

Ayon kay Seth Trinidad, ginawang oportunidad ng mga sibilyang namimigay ng nasabing payong ang maulang panahon. Napansin ni Trinidad na may pinagkakaguluhan ang mga tao sa labas ng mall at tiningnan niya kung ano ito.

“At around 13:45 today, December 23, while I was prepping up for a rainy ride back home, I saw people running nearby the exit door of Robinson’s Mall. Kala ko may aksidente or something only to find out some guys in Civillian are giving out free umbrellas,” ani Trinidad.

Sa isip ni Trinidad, ang pamimigay ng payong ay paraan ng premature campaigning.

“I assumed this is premature campaigning modus so I got one to see for myself. While we are given the umbrella, one guy was filming us,” ani Trinidad.

Nang buksan ni Trinidad ang payong, sumambulat sa kanya ang “Bong Go for Senator” at pangalan ni President Rodrigo Duterte.

“When I reached the parking lot, I opened it and boom! YUNG KUYA MONG HINDI DAW TATAKBO NG SENADOR ang nakabanderang pangalan. Siyempre andun pangalan ng boss niya,” ani Trinidad.

Ayon pa kay Trinidad, wala daw alam ang security ng mall na may mga payong na ipinamimigay sa loob ng mall compound.

“I overheard the security of the mall saying they are not aware that umbrellas tagged to a politician will be distributed at their doorstep,” ani Trinidad.

Tinapon na lang ni Trinidad ang ibinigay sa kanya na payong.

“Naghahanap sana ako ng basurahang may tatak na ‘NABUBULOK’ kaso wala ako nahanap eh. Either way, this deserves to be trashed.”

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top