Bongbong Marcos: Mga survey, bahagi ng destabilization plot vs Duterte | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bongbong Marcos: Mga survey, bahagi ng destabilization plot vs Duterte

'Di Best, 'Di Brightest

Bongbong Marcos: Mga survey, bahagi ng destabilization plot vs Duterte

Nasobrahan ka na naman sa Coke.

Bahagi umano ng destabilization plot laban kay President Rodrigo Duterte ang mga surveys, ayon kay Bongbong Marcos.

Ayon kay Marcos, ang pagbagsak ng ratings ni Duterte sa mga surveys ay maaaring ginagamit upang baliktarin ang public opinion.

“This is a way of making the mindset to say that maybe we should destabilize Duterte because he’s not popular anyway,” ani Marcos.

Matatandaang bumaba ang ratings ni Duterte ayon sa September surveys ng Social Weather Stations at Pulse Asia.

Dagdag pa ni Marcos, mayroon mga grupo na gustong pabagsakin si Duterte.

“It’s very clear that there are groups that are working very hard to destabilize Duterte’s government,” ani Marcos.

Radical move

Inilarawan naman ni Marcos na ‘radical move’ ang banta ni Duterte na magtatag ng revolutionary government dahil umano sa destabilization plots laban sa kanya.

“It is certainly a radical move, but I think the efforts to destabilize him have already been very clearly shown… There are very large, great forces that are working hand with each other to try and unseat him,” ani Marcos.

Si Marcos ay ang natalong vice presidential candidate noong 2016 elections kung saan nagwagi si Vice President Leni Robredo.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top