Bongbong Marcos on martial law: It's done, ano pang gusto niyong gawin? | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bongbong Marcos on martial law: It’s done, ano pang gusto niyong gawin?

Marcos Pa Rin - mga ulol

Bongbong Marcos on martial law: It’s done, ano pang gusto niyong gawin?

Ipinagtanggol ni Bongbong Marcos ang pahayag ng kanyang kapatid na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na mag-move on na ang publiko kaugnay sa martial law noong panahon ng kanilang ama na si Ferdinand Marcos.

Ayon kay Marcos, matagal na umanong tapos ang isyu ng martial law.

“I understand my sister because ang pinag-uusapan is something that happened 32 years ago,” ani Marcos.

“The government fell, kinasuhan kami, may decision kontra sa amin, it is done,” dagdag pa ni Marcos.

Tila nairita na si Marcos at nag-iwan na lang ng tanong para sa mga kritiko ng kanilang pamilya.

“Ano pang gusto ninyong gawin? There are so many problems na hinaharap ng Pilipinas, bakit natin pinag-aaksayahan [ito] ng panahon. Tapos na ito,” ani Marcos.

Move on

Nanawagan si Imee na mag-move on na lang ang mga kritiko ng kanilang pamilya sa isyu ng martial law.

“The millennials have moved on, and I think people at my age should also move on as well,” ani Imee.

Para kay Imee, matagal na umanong tapos ang hidwaan sa pagitan ng kanilang pamilya at ng mga Aquino.

“The conflict between the Marcoses and Aquinos happened a long time ago. We don’t need to keep hating people for a very long time. It’s not our way. We just need to go forward,” ani Imee.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top