Bongbong Marcos, tinangkang i-withdraw ang $213-M mula sa Swiss accounts | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Bongbong Marcos, tinangkang i-withdraw ang $213-M mula sa Swiss accounts

Marcos Pa Rin - mga ulol

Bongbong Marcos, tinangkang i-withdraw ang $213-M mula sa Swiss accounts

Tinangka ng talunang vice presidential candidate na si Bongbong Marcos na i-withdraw ang $213 milyon ill-gotten wealth mula sa Swiss banks noong 1986.

Habang nasa Hawaii ang pamilya Marcos matapos silang patalsikin ng EDSA People Power Revolution, nakipagkita si Michael de Guzman, may-ari ng isang small bank sa Vienna, kay Bongbong upang i-facilitate ang paglilipat ng Swiss assets patungo sa kanyang bangko.

Si De Guzman ay nagsilbing tour guide ni Marcos noong 1982, kung kailan ito bumisita sa Vienna. Si De Guzman din ang nag-facilitate ng pagbili ng dalawang mamahaling Austrian cars para kina Bongbong at Irene.

Ayon kay De Guzman, binigyan siya ni Marcos ng dalawang special power of attorney para i-withdraw ang pera mula sa Credit Suisse, kung saan ito nakadeposito.

Binigyan pa ni Marcos si De Guzman ng isang farewell note, kung saan sinabi nito na: “we all feel that you are being a real friend. Since the goods won’t be in your bank for too long, please feel free to charge what handling fees you feel are appropriate.”

Ang tangkang pag-withdraw ay natunugan ng Swiss government, kung kaya na-freeze ang Swiss accounts.

Bagamat itinanggi ito ni Marcos, hindi nito itinanggi na magkakilala sila ni De Guzman.

Noong 2011, tinanong ng veteran investigative journalist na si Raissa Robles si Marcos kaugnay dito.

Ayon kay Marcos, sinabihan siya ni De Guzman na natuklasan niyang may pera ang kanilang pamilya sa Swiss bank.

“He says he has identified an amount of money in a certain bank and he feels if he is given the necessary authority – the legal authority – he can withdraw it again in your favor and he will take his handling fee,” ani Marcos.

Kinumpirma naman ni Marcos na mayroon silang pera sa Swiss bank sapagkat ito ang sinabi ni De Guzman sa kanya.

Sa isang congressional inquiry naman noong 1989, sinabi ni De Guzman na si Marcos ang nagbigay sa kanya ng contact sa loob ng Credit Suisse. Ibinigay ni Marcos sa kanya si Ernest Scheller, ang vice president ng bangko noon.

Ayon sa mga dokumentong ginamit ng Sandiganbayan upang hatulang guilty si dating First Lady Imelda Marcos, sina Bongbong, Imee, at Irene ay beneficiaries ng Swiss loot.

“In the regulations of Trinidad Foundation dated August 28, 1970 signed by both Markus Geel and Ms Marcos in Zurich, Ms Marcos was named as the first beneficiary during her lifetime while her children, Imelda (Imee), Ferdinand Jr (Bongbong) and Irene were named as second beneficiaries in equal shares,” ayon sa Sandiganbayan.

 

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top