Dahil malapit ng mamaalam si Digong? Bongbong tuliro na sa kanyang poll protest | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Dahil malapit ng mamaalam si Digong? Bongbong tuliro na sa kanyang poll protest

Marcos Pa Rin - mga ulol

Dahil malapit ng mamaalam si Digong? Bongbong tuliro na sa kanyang poll protest

Natutuliro na umano ang natalong vice presidential candidate na si Bongbong Marcos sa panibagong mosyon nito sa electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo.

Ganito na lamang inilarawan ni Atty. Romulo Macalintal, ang election lawyer ni Vice President Robredo, ang bagong mosyong inihain ni Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) kung saan plano nitong i-decrypt at i-print ang higit 17 milyong ballot images mula sa 36,465 clustered precincts.

“(It) shows that Marcos is a confused lot not knowing whether to decrypt the ballots or revise or recount the ballots as prayed for in his election protest,” ayon kay Macalintal.

Naka-pending pa umano ang isyu ng recount sa PET dahil kinontra ito ng kampo ni VP Robredo. Dagdag pa ni Macalintal, insufficient in form and substance ang naging reklamo ni Marcos dahil hindi nila idinetalye ang mga clustered precincts na kanyang ipinoprotesta.

Premature aniya ang mosyon ni Marcos na i-decrypt ang mga ballot images kung pagbabasehan ang Rule 37 ng PET dahil ginagawa lamang ito kung kwestiyonable at hindi naipreserba ng maayos ang mga balota.

Subalit ang mas ipinagtataka ng kampo ng Pangalawang Pangulo ay kung saan kukunin ni Marcos ang magiging bayad kung sakaling ituloy ang pag-decrypt sa mga balota. Aabot umano sa P218 milyon ang gagastusin ni Marcos para dito.

“How Marcos would pay the tremendous and huge cost of decrypting these ballots. The estimated cost to decrypt one precinct is 6,000.00 pesos or a total of 218,790,000.00 pesos?,” ani Macalintal.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top