G Tongi: Pagnanakaw ni Imelda Marcos, nakasasama sa reputasyon ng Pilipinas | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

G Tongi: Pagnanakaw ni Imelda Marcos, nakasasama sa reputasyon ng Pilipinas

Marcos Pa Rin - mga ulol

G Tongi: Pagnanakaw ni Imelda Marcos, nakasasama sa reputasyon ng Pilipinas

Nagalak ang celebrity-turned-activist na si Giselle “G” Tongi sa hatol ng Sandiganbayan na guilty si dating First Lady Imelda Marcos sa salang graft kaugnay sa Swiss bank accounts.

Ayon kay Tongi, tanging alam lang ng mga dayuhan sa Pilipinas ay ang libu-libong sapatos ni Marcos at si Manny Pacquiao.

“As a Filipina American, most people I meet around the world almost always mention that all they know of the Philippines is about this woman with the shoes or that boxer turned biblical fanatic,” ani Tongi.

Tingin pa ni Tongi, nakasasama sa reputasyon ng Pilipinas sa international community ang krimeng nagawa ni Marcos.

“It’s not a good reputation for the Filipino people when the world knows of your country by the woman who plundered away the wealth of the Filipino people on shoes,” ani Tongi.

Ang hatol ng Sandiganbayan laban kay Marcos ay nagpapatunay lang na mayroong hustisya, giit ni Tongi.

“This PROVES THERE IS JUSTICE after all. Former First Lady & Ilocos Representative has been found GUILTY. Injustices against the Filipino people will be remembered in history!” ani Tongi.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top