Graft convict Imelda Marcos, may sakit daw kaya hindi naka-attend ng hearing | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Graft convict Imelda Marcos, may sakit daw kaya hindi naka-attend ng hearing

Marcos Pa Rin - mga ulol

Graft convict Imelda Marcos, may sakit daw kaya hindi naka-attend ng hearing

Ito lang ang may sakit na ganadong mag-party

Nakaranas umano ng ‘multiple organ infirmities’ si graft convict at dating First Lady Imelda Marcos kung kaya hindi ito nakadalo sa promulgation ng Sandiganbayan noong Biyernes.

Sa kanyang motion, sinabi ni Marcos na pinayuhan siya ng physician na huwag dumalo sa hearing dahil sa iniinda umanong sakit.

“[Imelda is] under strict orders from her physician to refrain from stressful conditions that will put her at risk for heart and brain attack and recurrence of seizure,” ayon sa mosyon ni Marcos.

Ayon sa Rule 120 ng Rules of Court, maaaring i-justify ni Marcos ang kanyang absence sa hearing upang makagamit ng remedyo katulad ng appeal o pagpapaliban ng pag-aresto sa kanya.

Ginawa ring palusot ni Marcos ang hindi pagsipot sa hearing ang umano’y high blood pressure ng kanyang abogado na si Robert Sison.

Subalit, sa mismong araw ng hatol sa kanya ng korte, nabistong nakipag-party pa si Marcos sa birthday celebration ng kanyang anak na si Imee.

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Marcos sa 7 counts ng graft dahil sa mga ginawang foundation na konektado sa kanilang ill-gotten Swiss bank accounts.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top