Historical marker ng NHCP para kay Marcos, nakitaan ng historical revisionism | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Historical marker ng NHCP para kay Marcos, nakitaan ng historical revisionism

Marcos Pa Rin - mga ulol

Historical marker ng NHCP para kay Marcos, nakitaan ng historical revisionism

Nakitaan ng historical revisionism ang iginawad na historical marker para sa monument ng diktador na si Ferdinand Marcos sa Ilocos Norte.

Ang historical marker at mga nilalaman nito ay ginawa ng National Historical Commission of the Philippines.

Ibinida sa marker ang mga naging posisyon ni Marcos sa buong buhay niya sa pamahalaan, pati na rin ang pagdedeklara ng batas militar noong 1972, at ang kanyang “Bagong Lipunan”.

Napansin ng mga netizens ang detalye tungkol sa EDSA People Power Revolution, at nakasaad rito na “namalagi” si Marcos sa Hawaii bunsod ng rebolusyon.

Basahin ang buong text ng historical marker:

“Pangulo. Isinilang sa Sarrat, Ilocos Norte, 11 Setyembre 1917, at nanirahan sa Batac. Nagtapos ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, 1939. Kasapi ng 14th Infantry USAFIP-NL ng Kilusang Gerilya, 1944-1945. Nanungkulang kinatawan ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte, 1949-1959. Isinailalim ang Pilipinas sa Batas Militar, 1972-1981. Nagpatupad ng mga programa, proyekto, at batas sa ilalim ng balangkas ng “Bagong Lipunan”. Bunsod ng EDSA People Power Revolution, 25 Pebrero 1986, namalagi sa Hawaii, Estados Unidos. Yumao, 28 Setyembre 1989.”

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top