Imee Marcos, high honors daw sa Princeton, cum laude sa UP; pero bagsak pala ang grades | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Imee Marcos, high honors daw sa Princeton, cum laude sa UP; pero bagsak pala ang grades

Marcos Pa Rin - mga ulol

Imee Marcos, high honors daw sa Princeton, cum laude sa UP; pero bagsak pala ang grades

Magkapatid nga talaga kayo ni Bongbong!

Nadiskubreng bagsak sa ilang mga subject si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos noong siya’y nag-aaral pa sa Princeton University at sa University of the Philippines.

Inilagay ni Marcos sa kanyang website na nakakuha siya ng high honors sa Princeton sa kung saan kinuha niya ang kursong BA Independent Major in Religion and Politics.

Nakasaad pa rito na cum laude siya sa kursong Bachelor of Law sa UP College of Law.

Sa isang dokumento mula sa Princeton, nakasaad na bagsak sa ilang subjects si Marcos.

Dahil dito, kinuwestiyon ng mga netizen ang pagkakaroon ng ‘high honors’ ni Marcos mula sa Princeton.

Napag-alaman pang tumigil ito sa pag-aaral sa Princeton noong 1976, at huli nitong pumasok noong 1979 bago tumuloy sa UP College of Law.

Habang sa UP College of Law, nag-drop sa isang subject habang pasang-awa naman sa isa pang subject si Marcos.

Ayon naman kay Madrileña de la Cerna, columnist ng Cebu Daily News, usap-usapan ng lahat noong nag-aaral pa siya sa UP na imposibleng maka-graduate si Marcos dahil kulang pa ito ng 35 units.

“It was a public knowledge during my stay in the campus that Imee could not graduate because she lacked 35 units. Many of her batchmates were my dormmates in the campus. In the first place, we learned that her admission to the college was questionable because she did not finish her undergraduate studies at Princeton but was admitted just the same with intense pressure on the administration (whose admission policies are very strict),” ani Dela Cerna.

Ngunit laking gulat ni Dela Cerna nang mapanood si Marcos, kasama ang kanyang mga magulang na sina Ferdinand at Imelda, sa UP graduation na iniere sa telebisyon.

“I was shocked to watch on TV the “graduation” of Imee Marcos as magna cum laude at the Meralco Theater with Ferdinand and Imelda Marcos putting on the hood and cap on Imee. I could not believe what I saw. The next day, the “graduation” picture was all over the front pages of the national newspapers,” ani Dela Cerna.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top