Imee Marcos, producer umano ng 'Oro, Plata, Mata', 'Himala'; wala sa credits lists | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Imee Marcos, producer umano ng ‘Oro, Plata, Mata’, ‘Himala’; wala sa credits lists

Marcos Pa Rin - mga ulol

Imee Marcos, producer umano ng ‘Oro, Plata, Mata’, ‘Himala’; wala sa credits lists

IMEEpineke

Matapos mameke ng educational background, iginiit naman ngayon ni Imee Marcos na siya ang nag-produce ng mga batikang pelikula na ‘Oro, Plata, Mata’ at ‘Himala’.

Ayon sa kanyang komiks, nakilala umano siya bilang producer ng mga nasabing pelikula.

“Nakilala siya bilang producer ng “Oro, Plata, Mata” (1982) at ng “Himala” (1982),” ayon sa komiks.

Subalit ayon sa Internet Movie Database, ang mga nag-produce ng Oro, Plata, Mata ay sina Madeleine Gallaga, Charo Concio-Santos, at Isabel Sumayao.

Samantala, sina Bibsy Carballo, Trina Dayrit, at Charo Santos-Concio naman ang nag-produce para sa pelikulang Himala na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Wala sa credits list ng mga pelikula ang pangalan ni Marcos.

Sa isang interview, sinabi ni Marcos na ini-spoil umano siya kaya hindi siya hands-on sa mga nasabing pelikula.

“Oh boy, I was spoiled then,” ani Marcos.

“Hindi ako masyadong nagha-hands on noon. Ang gagaling ng aking executive producers—sina Charo Santos nun, e,” dagdag pa ni Marcos.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top