Imelda Marcos, guilty sa 7 counts ng graft; ipinakukulong ng Sandiganbayan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Imelda Marcos, guilty sa 7 counts ng graft; ipinakukulong ng Sandiganbayan

Marcos Pa Rin - mga ulol

Imelda Marcos, guilty sa 7 counts ng graft; ipinakukulong ng Sandiganbayan

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa 7 counts ng graft na nag-ugat sa mga private organization na kanya umanong ginawa habang naglilingkod sa pamahalaan.

Sinentensyahan siya ng korte ng pagkakakulong ng 6 years hanggang 11 years maximum sa bawat count.

Kilala si Imelda bilang asawa ng diktador na si Ferdinand Marcos at ina nila Bongbong at Imee.

Siya ay tatakbo sa pagka-gobernador ng Ilocos Norte sa Halalan 2019, kung saan nais niyang palitan si Imee na tatakbo naman bilang senador.

Habang first lady noong 1965 hanggang 1986, naglingkod siya bilang Minister of Human Settlements, Metro Manila Governor at assemblywoman.

Naging kontrobersyal si Imelda dahil sa maluho nitong pamumuhay at paggastos ng napakaraming pera, kung kaya nagkaroon ng term na “Imeldific”.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top