Mahigit 100,000 katao, nabudol-budol; pinangakuan ng pera galing kay Marcos | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Mahigit 100,000 katao, nabudol-budol; pinangakuan ng pera galing kay Marcos

Marcos Pa Rin - mga ulol

Mahigit 100,000 katao, nabudol-budol; pinangakuan ng pera galing kay Marcos

Mahigit isang daang libong katao ang dumalo sa isang pagtitipon sa University of the Philippines Los Baños Freedom Park matapos pangakuan ng limpak limpak na pera na galing umano sa “trust fund” ng diktador na si Ferdinand Marcos.

Ang organizer ng event ay ang One Social Family Cooperative na dating Bullion Buyers Ltd. na may record ng panloloko sa Pangasinan.

Ang mga dumalo sa event ay binigyan ng mga pamphlets na nakalagay ang mukha ni Marcos at sa loob nito ay nakadetalye ang buhay at mga achievements nito.

Subalit kapalit ng booklet ay kailangan nilang magbayad ng P30.00.

Ayon sa One Social Family, ang lahat ng may hawak na booklet ay entitled umano sa isang milyong piso.

“Sino pa ang magiging mahirap? Sa 4 years may P10,000 ka every month, ang P10,000 na ito ay para itaguyod niyo ang kooperatiba,” ayon sa OSF.

Ipapadala sa ATM ang pera ng mga beneficiaries ayon sa OSF.

Pinabulaanan rin nila ang mga paratang sa social media na pinilit lang ang ibang tao na pumirma at dumalo, at scam daw ang ginagawa nila.

Binasa pa ng mga organizers ang isang thank you letter para kay “Ferdinand Marcos, President of Republic of the Philippines, Grand Advisory Council, FM Cash Account, Marcos Trust Fund, The Redeemers Group.”

Basahin ang bahagi ng liham:

To: Ferdinand Marcos

President of the Philippines

Grand Advisory Council

FM Cash Account

Marcos Trust Fund

The Redeemers Group

We the members of OSF CC formerly known as Bullion Buyer Limited, express our deepest gratitude to implement your program to the Filipino [people]. We would like to express our sincere appreciation for making us the pioneer organization to implement your legacy to the Filipino people. Your immortal legacy will not only enlighten our countrymen but will also give hope for the future of our next generation. We believe that we can reach the peak of our goal that our nation with the leadership of Duterte will be great again. No Filipino family will be financially discriminated because we are the Maharlikas of the Pearl of the Orient Sea.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top