Marcos loyalist, inakalang meeting ng 'troll handlers' ang lunch ng Rappler reporters | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Marcos loyalist, inakalang meeting ng ‘troll handlers’ ang lunch ng Rappler reporters

Marcos Pa Rin - mga ulol

Marcos loyalist, inakalang meeting ng ‘troll handlers’ ang lunch ng Rappler reporters

Wala na, praning na.

Nagpakalat ng malisyosong impormasyon laban sa mga reporter ng social news network na Rappler ang tagasuporta ng mga Marcos.

Nag-upload ng litrato si Daniel Panganiban sa kanyang Twitter account kung saan makikita ang grupo ng mga millennial sa isang restaurant.

Ayon sa tweet ni Panganiban, ang mga tao na nasa litrato ay ‘di umano’y ‘troll handlers’ ni Vice President Leni Robredo.

“Leaked: Meeting daw ng mga “millennials” a.k.a. troll handlers ni Vice. Word to me is that they are going to get aggressive in the next weeks. Guess who kung sino ang kasama nila,” ani Panganiban.

Tinabla naman ito ni Rappler reporter Pia Ranada Robles na nakunan rin sa litrato.

Ayon kay Robles, mga kapwa-reporter niya ang nasa litrato at manananghalian lang sila noong kinunan ito.

“Some Rappler reporters were just having a working lunch last Friday near our office when someone (likely a fellow diner at the restaurant) took our photo and claimed it was a meeting of VP Robredo’s “troll handlers”,” ani Robles.

“Nothing in the photo supports this claim. It’s really just a photo of people having lunch!” dagdag pa ni Robles.

Kasama ni Robles ang mga katrabaho niya sa Rappler na sina Patricia Evangelista, Paterno Esmaquel II, Mara Cepeda, at Camille Elemia.

Nakiusap naman si Robles sa publiko na kaagad i-debunk ang kasinungalingang ipinapakalat ng Duterte-Marcos supporters tungkol sa nasabing litrato.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top