Moira dela Torre, nagalit matapos malamang pro-Marcos ang concert na dinaluhan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Moira dela Torre, nagalit matapos malamang pro-Marcos ang concert na dinaluhan

Marcos Pa Rin - mga ulol

Moira dela Torre, nagalit matapos malamang pro-Marcos ang concert na dinaluhan

At tumigil ang mundo
Nung ako’y niloko mo

Nagalit ang singer na si Moira dela Torre matapos malamang bahagi ng 101st birthday celebration ng diktador na si Ferdinand Marcos ang dinaluhang concert sa Ilocos Norte.

Sa una’y inakala ni Dela Torre na millennial concert ang pupuntahan niya sa Laoag City.

“This Marcos Fest was supposed to be called I-Millennial Fest,” ani Dela Torre.

Iginiit ni Dela Torre na hindi siya isang Marcos apologist.

“I am not a Marcos apologetic. Never will I be,” ani Dela Torre.

Ipinakita pa ni Dela Torre ang message sa kanya ng concert organizer kung saan nakalagay ang pangalan ng event ay “Ilocano Millennial Night”.

“From the earlier reminders til before we got there, they addressed it as the Ilocano Millennial Night. Not once was his name brought up,” ani Dela Torre.

“So let me be clear about this: I performed for the people of Ilocos and NOT for Marcos,” dagdag pa ni Dela Torre.

Sa tingin ni Dela Torre ay sinadyang hindi sabihin sa kanya ng producer na pro-Marcos ang concert para hindi siya makatanggi.

“It was the producer who failed to give us all the information. I think he purposely left that out to keep us from not accepting the event… which makes me even angrier,” ani Dela Torre.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top