Pagbisita ni Imee Marcos sa Iloilo university, kinansela matapos magprotesta ang kabataan | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Pagbisita ni Imee Marcos sa Iloilo university, kinansela matapos magprotesta ang kabataan

Marcos Pa Rin - mga ulol

Pagbisita ni Imee Marcos sa Iloilo university, kinansela matapos magprotesta ang kabataan

Naudlot ang pagbisita ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa Iloilo Science and Technology University dahil sa ikinasang protesta ng mga kabataan at iba pang organisasyon upang tutulan ito.

Iginiit ng mga demonstrador na hindi welcome sa Iloilo si Marcos, at binatikos rin nila ang naging pahayag nito na mag-move on na lang sa usapin ng martial law.

Photo Courtesy: Kabataan Partylist Western Visayas

Ayon naman sa netizen na si Aurelio Servando, may nagpa-reserve umano ng conference hall sa loob ng ISAT-U para isang event na dadaluhan ni Marcos. Nagulat na lamang ang mga estudyante at opisyal ng pamantasan nang makita nila ang streamers ni Marcos.

“Somebody reserved a conference hall without identifying what is it for and who will be the guest. On the day of the affair, school officials and students were surprised to find a streamer on its’ main gate welcoming Gov. Imee Marcos,” ani Servando.

Iginiit ni Servando na hindi pahihintulutan ng ISAT-U ang historical revisionism sa kanilang pamantasan.

“This is one place of learning that won’t take historical revisionism,” ani Servando.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top