RIP Pilipinas: Bongbong Marcos, inilantad na ang kanyang presidential ambition | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

RIP Pilipinas: Bongbong Marcos, inilantad na ang kanyang presidential ambition

Marcos Pa Rin - mga ulol

RIP Pilipinas: Bongbong Marcos, inilantad na ang kanyang presidential ambition

Maawa naman kayo sa Pilipinas hoy.

2017 pa lang ngunit pinapakiramdaman na ni Bongbong Marcos ang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Marcos, ang ambisyon niyang maging Pangulo ay nakasalalay sa inihain niyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo, kung saan tinalo siya nito noong 2016 elections.

“That’s what you want to be,” ani Marcos sa kanyang pangarap na pagbabalik sa Malacañang, mahigit tatlong dekada matapos patalsikin ang tatay niyang diktador na si Ferdinand Marcos.

“Every private in the army wants to be a general. Every janitor wants to be a CEO,” dagdag pa ni Marcos.

Inilantad rin ni Marcos ang kanyang proposal na baguhin ang 1987 Constitution na naging pananggalang laban sa mga balak sumunod sa yapak ng kanyang tatay.

“Government needs to have more strength to be effective,” ani Marcos.

Sang-ayon rin si Marcos sa pro-Beijing stance ni President Rodrigo Duterte.

Matatandaang sinabi noon ni Duterte na nais niya ng mag-resign bilang presidente kung si Marcos o si Alan Peter Cayetano ang kanyang bise presidente.

‘Hindi ako diktador, gusto ko na rin magpahinga. Kay kung nanalo lang ‘yan si Marcos pati si Cayetano, siguro I would have entertained of resigning na. Pero kung ganito ang sitwasyon, eh matanda na ako eh,” ani Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top