WATCH: Marcos loyalists, lumayas sa PDP-Laban event dahil tinawag na diktador si Marcos | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

WATCH: Marcos loyalists, lumayas sa PDP-Laban event dahil tinawag na diktador si Marcos

Marcos Pa Rin - mga ulol

WATCH: Marcos loyalists, lumayas sa PDP-Laban event dahil tinawag na diktador si Marcos

Truth hurts

Nag-walk out sa national assembly ng PDP-Laban ang mga tagasuporta ng diktador na si Ferdinand Marcos matapos umanong tawagin na diktador ang kanilang iniidolong dating pangulo.

Ayon kay Anita Petil na taga-Calamba, Laguna, isang Marcos loyalist, hindi nila nagustuhan ang pagtawag kay Marcos na diktador kung kaya napilitan silang mag-walk out.

“Medyo walkout kami,” ani Petil.

“Kasi hindi namin nagustuhan yung tabas ng nagsalita na si Marcos ay diktador, na kanilang pinatalsik. Pero mali, hindi dapat!” dagdag pa ni Petil.

Ayon kay Petil, nagpunta sila sa PDP-Laban assembly upang suportahan si Duterte.

“Kami nagpunta rito para suporta kay Duterte, pero huwag naman iisyu yung patay na. Pilit pa nilang binabangon eh. Pangit yun eh,” ani Petil.

“Kaming mga loyalista ni Marcos ay nagpapakahirap sa rally, umula’t umaraw nandyan kami para sa pakikipaglaban namin,” dagdag pa ni Petil.

Iginiit ni Petil na hindi diktador si Marcos.

“Kaya ako, kami, nagsigawan kami sa loob dahil hindi namin matanggap na sabihan si Marcos na diktador, kasi totoo namang hindi diktador,” ani Petil.

Ang dating PDP-Laban

Ang Partidong Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP-Laban ay nabuo noong 1982, sa panahon ng diktadurang Marcos.

Ilan sa mga namuno at popular na personalidad sa partido ay sina dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel, Benigno “Ninoy” Aquino Jr at asawa nitong si Corazon.

Ang partido ay nakilala bilang opposition party sa panahon ni Marcos, at naging behikulo sa pagtakbo ni Cory Aquino sa pagkapangulo noong 1986.

(Video Courtesy: Noy Morcoso, Philippine Daily Inquirer) 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Marcos Pa Rin - mga ulol

To Top