54% ng mga Pilipino hindi naniniwalang nanlaban ang mga suspek—SWS | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

54% ng mga Pilipino hindi naniniwalang nanlaban ang mga suspek—SWS

Poll & Reactions

54% ng mga Pilipino hindi naniniwalang nanlaban ang mga suspek—SWS

Karamihan ng mga Pilipino ang hindi kumakagat sa naratibo ng mga pulis na nanlalaban umano ang mga suspek sa giyera kontra illegal na droga ni President Rodrigo Duterte.

Ito ang resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong June 23-26 na nilahukan ng 1,200 respondents.

54% ng mga respondents ang nagsabing hindi nanlaban ang mga suspek sa drug war. 20% lang ang naniniwalang nanlaban, habang 25% ang undecided.

Naitala sa Metro Manila ang 63% na nagsasabing hindi nanlaban, 56% sa natitirang bahagi ng Luzon, habang tig-49% naman ang Visayas at Mindanao.

51% naman ang nagsabi na marami ang nagsisinungaling at itinuturo ang mga personal na kaaaway bilang drug personalities. 21% ang naniniwalang drug suspects ang mga ito, habang 28% ang undecided.

Samantala, 49% ang nagsasabi na hindi lahat ng mga napatay sa drug war ay drug suspects. 24% ang hindi sang-ayon, habang 27% ang undecided.

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Poll & Reactions

To Top