Poll: Majority ng mga netizens, nais mag-resign si PNP chief Bato dela Rosa | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Poll: Majority ng mga netizens, nais mag-resign si PNP chief Bato dela Rosa

Poll & Reactions

Poll: Majority ng mga netizens, nais mag-resign si PNP chief Bato dela Rosa

Halos karamihan ng mga netizens ay nais nang magbitiw sa pwesto si PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Ito ang lumabas na resulta sa aming poll at gayundin ang reaksyon ng mga netizens.

Sa 1,756 netizens na lumahok sa aming Twitter poll, 93% sa kanila ang nagsabing dapat na mag-resign si dela Rosa. Habang may 7% ang nagsabi na hindi siya dapat magbitiw sa pwesto.

Ayon naman sa reaksyon ng mga netizens, ngayon na dapat magbitiw si dela Rosa sa tungkulin. Dagdag pa nila, puro boodle fight lang ang alam niya at pang-showbiz lamang siya.

Mayroon naman ang nagsabi na silang dalawa ni President Rodrigo Duterte ang mag-resign. May nagsabi naman na dapat kasuhan ng multiple murder si dela Rosa.

Nagkomento rin ang mga netizens sa Facebook tungkol sa karanasan ng mga tao pagdating sa pulis noon at ngayon.

May iba naman ang nagsabing barilin at pilitin na manlaban si dela Rosa, katulad ng mga nangyari sa biktima ng kampanya kontra illegal na droga.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Poll & Reactions

To Top