Poll: Netizens, hindi naniniwala na makukulong ang mga pulis na pumatay kay Kian | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Poll: Netizens, hindi naniniwala na makukulong ang mga pulis na pumatay kay Kian

Poll & Reactions

Poll: Netizens, hindi naniniwala na makukulong ang mga pulis na pumatay kay Kian

Hindi naniniwala ang mga netizens sa pahayag ni President Rodrigo Duterte na mabubulok sa kulungan ang mga pulis na pumatay kay Kian Loyd de los Santos.

Ito ang lumabas na resulta sa isinagawa naming Twitter poll, at gayundin ang mga naging reaksyon sa Facebook.

Sa 824 netizens na lumahok sa aming poll, 97% ang nagsabing hindi sila naniniwala sa pahayag ni Duterte. Habang 3% naman ang nagsabi na naniniwala sila na makukulong ang mga pulis.

Ayon naman sa naging reaksyon ng mga netizens, hindi sila naniniwala na makukulong ang mga pumatay kay de los Santos sapagkat ilang beses ng sinabi ni Duterte na ipagtatanggol niya ang mga pulis, lalo na ang mga nasa anti-illegal drug operations.

Ayon pa sa ilang netizens, mapo-promote lang ang mga ito katulad ng ginawa ni Duterte kina Supt. Marvin Marcos.

Hindi rin sila naniniwala sapagkat palagi naman binabawi ni Duterte ang kanyang mga sinasabi.

Napilitan magpa-press conference si Duterte dahil sa public outrage matapos ang nangyari kay de los Santos, at sinabing makukulong ang mga pulis na pumatay dito.

“I saw the tape on TV and I agree that there should be an investigation. Should the investigation point to liabilities by one, two, or all, there will be a prosecution and they have to go to jail if convicted,” ayon kay Duterte.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Poll & Reactions

To Top