Public expectation kay Duterte, bumagsak — SWS survey | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Public expectation kay Duterte, bumagsak — SWS survey

Poll & Reactions

Public expectation kay Duterte, bumagsak — SWS survey

Kasunod ng pagbagsak ng kanyang satisfaction at trust ratings, at ang dumaraming agam-agam sa kanyang kampanya kontra illegal na droga, bumagsak na rin ang public expectation kay President Rodrigo Duterte.

Ayon sa survey results ng Social Weather Stations (SWS), mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang iilan lang o wala ni-isang pangako ang matutupad ni Duterte bilang Pangulo.

35% ng mga respondents ang nagsabing matutupad ni Duterte ang halos lahat ng kanyang mga pangako, 17 puntos mas mababa kumpara sa 52% noong March.

63% ng mga respondents naman ang nagsabi na iilan lang at imposible pang matupad ni Duterte ang kanyang mga ipinangako sa bayan.

Kitang-kita sa lahat ng geographical areas ang pagbagsak ng public expectation kay Duterte.

Naitala ang pinakamalaking pagbagsak sa Mindanao, kung saan 33 puntos ang ibinaba mula noong March.

Sinundan ito ng pagbaba ng 18 puntos sa Visayas, 13 puntos sa Metro Manila, at 11 puntos sa Balance Luzon.

Bumulusok pababa ang public expectation kay Duterte sa rural areas kung saan 20 puntos ang naging pagbaba. Habang 14 puntos naman ang ibinaba nito sa urban areas.

Bumaba rin ang ratings ni Duterte sa lahat ng socioeconomic classes.

23 puntos ang ibinagsak ng public expectation kay Duterte sa Class E, habang bumaba naman ito ng 17 puntos sa Class D.

19 puntos naman ang ibinaba ng ratings ni Duterte pagdating sa mga kababaihan, habang 16 puntos naman ang naitala sa mga kalalakihan.

Kahit sa lahat ng age group ay batid na marami ang naniniwalang kakarampot lamang o imposible ng matupad ni Duterte ang kanyang mga pangako.

Ganito rin ang resulta kung pagbabatayan ang educational attainment ng mga respondents.

Ang survey ay isinagawa noong September 23 hanggang 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews na nilahukan ng 1,500 respondents.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Poll & Reactions

To Top