SWS: 81% ng mga Pinoy, tutol na hayaan ng Duterte gov't ang Chinese intrusion sa WPS | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

SWS: 81% ng mga Pinoy, tutol na hayaan ng Duterte gov’t ang Chinese intrusion sa WPS

Poll & Reactions

SWS: 81% ng mga Pinoy, tutol na hayaan ng Duterte gov’t ang Chinese intrusion sa WPS

Halos lahat ng mga Pilipino ang tutol sa ginagawang hakbang ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte na hayaan ang panghihimasok at pagkontrol ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong June 2018.

80% ng mga Pinoy ay gustong palakasin pa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), partikular na ang Philippine Navy para maprotektahan ang teritoryo ng bansa.

74% naman ang nagsabi na idulog ang territorial dispute sa international organizations, habang 68% ng mga respondent ay nais na may mamagitang bansa kaugnay sa isyu.

Sa kabila nito, 73% ng mga Pinoy ay nais pa rin na magkaroon ng direct bilateral negotiations sa pagitan ng Pilipinas at China.

Samantala, nasa all-time low ang trust rating ng China simula nang maupo si Duterte. Mula sa net trust na +7 noong December 2017, bumagsak ito sa -35.

Nagkakaisa naman ang mga Pilipinong sang-ayon, hindi sang-ayon, at undecided sa pamamalakad ni Duterte pagdating sa kawalan ng tiwala sa China.

Ginawa ang survey noong June 27-30, 2018 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 respondents.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Poll & Reactions

To Top