NETIZENS REACT | 'Kung social media pala ang basehan, matagal na sana nakakulong si Duterte' | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

NETIZENS REACT | ‘Kung social media pala ang basehan, matagal na sana nakakulong si Duterte’

Poll & Reactions

NETIZENS REACT | ‘Kung social media pala ang basehan, matagal na sana nakakulong si Duterte’

Nawindang at hindi makapaniwala ang lahat matapos aminin ng sinibak na hepe ng Caloocan police na ginawa nilang basehan ang social media upang iturong drug runner ang pinatay nilang si Kian Loyd de los Santos.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens ukol dito.

Para kay Phil Dy, ang online editor ng Rogue Philippines, matagal ng nakakulong si President Rodrigo Duterte kung gagawing basehan ang social media.

“If you could confirm criminality through social media, the President would already be in prison,” ayon kay Dy.

Iniugnay naman ito ni @YourLawyerSays ang “Article 263” ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

“May amendment na naman sa Art. 263 of the Constitution: the conclusive presumption of truthfulness of social media,” ani @YourLawyerSays.

Ayon naman kay Pepe Diokno, naabot na ng Philippine National Police (PNP) ang mataas na level ng katangahan dahil sinusuway na sila ni Senator Manny Pacquiao.

“You know the PNP has reached a certain level of idiocy when even Manny Pacquiao is telling them off,” ani Diokno.

May bago ng meaning ng PNP ayon kay Lourd de Veyra, at ito ay “Peysbuk Nang Peysbuk.”

Pinasalamatan pa ni De Veyra si Mark Zuckerberg dahil sa tulong ng Facebook sa paghahanap ng ebidensya.

Ayon naman sa mga netizens sa Facebook, certified “Dutertard” umano ang mga pulis dahil naniniwala sila sa fake news at posts ng mga Facebook trolls.

Nasayang umano ang buwis ng taumbayan dahil nauwi lamang sa paghahagilap sa social media ang intelligence fund.

At comment pa ng isang netizen, baka si Mocha Uson pa ang source nila.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Poll & Reactions

To Top