₱50 bilyong budget ng DPWH para sa right of way, tadtad ng mga ghost owners | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

₱50 bilyong budget ng DPWH para sa right of way, tadtad ng mga ghost owners

'Di Best, 'Di Brightest

₱50 bilyong budget ng DPWH para sa right of way, tadtad ng mga ghost owners

Tapos na ang Undas subalit ramdam na ramdam pa rin ito sa proposed 2018 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kasalukuyang pinapamahalaan ni Secretary Mark Villar, anak ni Senator Cynthia Villar, ang DPWH.

Isiniwalat ni Senator Panfilo Lacson ang maanomalyang ₱50 bilyong pondo ng DPWH para sa right of way dahil sa mga kahinahanalang pangalan katulad ng “John Doe” at “unknown” na mga may-ari ng lupa o establisyamentong masasagasaan ng mga government projects.

“Nakalagay roon may budget tayo sa claimant na ‘yan, may item, pero Unknown o kung ‘di Unknown, John Doe. Kukuwestiyunin ko ‘yan,” ani Lacson.

Ayon kay Lacson, matagal na nilang hinihingi sa ahensiya ang mga pangalan ng right of way claimants ngunit noong nakaraang linggo lang ito ibinigay sa kanila.

Matatandaan na noong nakaraang taon, inalis ni Lacson ang ₱8.3 bilyon mula sa pondo ng DPWH na orihinal na nakalaan para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil gagamitin lamang ito bilang pork barrel fund ng mga mambabatas.

Noong 2009, si Lacson ang nagbulgar ng ₱200 milyong C-5 road scandal na sangkot si dating Senador Manny Villar, ang ama ng kasalukuyang DPWH Secretary.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in 'Di Best, 'Di Brightest

To Top