Aguirre sinisi ang cellphone sa hindi matigil na drug trade sa Bilibid | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Aguirre sinisi ang cellphone sa hindi matigil na drug trade sa Bilibid

Scandalous Government

Aguirre sinisi ang cellphone sa hindi matigil na drug trade sa Bilibid

Sa unang pagkakataon ay hindi si Senator Leila de Lima at ang kanyang mga kaalyado ang sinisi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Cellphone umano ang may kasalanan kung bakit patuloy ang drug trade sa loob ng National Bilibid Prison (NBP). Ito ay sa kabila ng pagbabantay ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP-SAF).

“Iisa lang naman po ang talagang culprit dito — iyung cellphone. Hangga’t may cellphone sa loob, hindi natin masasawata [ang droga] completely,” ayon kay Aguirre. 

Tanging ang Building 14 kung saan nakapiit ang 50 convicted crime at drug lords ang mayroong signal jamming system.

Aminado si Aguirre na muling sumigla ang drug trade sa kulungan dahil sa pagkakaroon ng familiarity sa pagitan ng SAF troopers at ng mga nakakulong.

De Lima strikes back

Binuweltahan naman ni Senator de Lima si Aguirre dahil sa muling pagsiklab ng drug trade sa national penitentiary.

“They told the people that I am the ‘Drug Queen’ because, without me, illegal drugs would not be traded within the New Bilibid Prison, yet this administration’s secretary of justice now admits that, despite my detention and the measures they have taken, the drug problem in the BuCor remains unabated,” ayon kay de Lima. 

Si de Lima ay kinasuhan dahil sa umano’y involvement niya sa drug trade sa Bilibid noong siya ay Justice Secretary ng administrasyong Aquino.

 

 

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top