Ama ni Kian de los Santos hinamon si Bato: Pumunta siya dito, mag-imbestiga siya | Change Scamming
Connect with us

Change Scamming

Ama ni Kian de los Santos hinamon si Bato: Pumunta siya dito, mag-imbestiga siya

Scandalous Government

Ama ni Kian de los Santos hinamon si Bato: Pumunta siya dito, mag-imbestiga siya

Hinamon ni Zaldy, ang ama ng pinaslang na si Kian Loyd de los Santos si PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa na personal siyang pumunta at mag-imbestiga tungkol sa alegasyon ng koneksyon sa droga.

Ito ay matapos sabihin ni dela Rosa na nasa drug watch list umano ang mag-amang de los Santos, kahit dati pang sinabi ng mga opisyal ng barangay na wala ang mga ito sa kanilang listahan.

“Si Kian ay ginagamit ng kanyang ama. Ang ama niya mismo ang user, mga uncle ang mga pusher diyan at ginagamit si Kian na courier. Kaya nag-surface ang pangalan niya sa area mismo,” ayon kay dela Rosa.

Pinabulaanan naman ito ni Zaldy.

“Hindi po, kahit po ang buong pamilya ko wala po, kahit mga kamag-anak ko, wala kayong makikita,” ayon kay Zaldy.

Dagdag pa ni Zaldy, mabait hindi pala-barkada ang anak niyang si Kian.

“Mabuti pong bata ang anak ko. Naghahanapbuhay po kami ng maayos. Hindi po siya pala-barkada, wala po,” ani Zaldy.

Hamon ni Zaldy kay Bato, personal siyang bumisita at mag-imbestiga sa kaso ng kanyang anak.

“Kung maari sana, pumunta siya dito sa lugar namin at siya mismo ang mag-imbestiga,” ani Zaldy.

“Mali po yung mga paratang na iyon, ang mas maganda siya mismo pumunta saming lugar para malaman niya. Hindi iyong kung saan siya nagsasalita. Pumunta siya dito sa bahay namin, sa mga paligid namin at tanungin niya,” dagdag pa ni Zaldy.

Handa rin sumailalim sa drug test si Zaldy upang pasinungalingan ang ibinabatong mga paratang laban sa kanila.

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

More in Scandalous Government

To Top